Paroles de Ang pagsintang ito

Equilibrio

pochette album Ang pagsintang ito
Voir sur Itunes

Date de parution : 02/12/2011

Durée : 0:02:58

Style : Pop



sonnerie téléphone portable pour Ang pagsintang ito

Pawiin ang agam-agam sa iyong isipan.
Hwag padala sa alon ng alinlangan.
Habang may karagatan, maasahan mo
Ang pagsintang ito.

Pahirin ang dalamhati sa iyong pisngi.
Hwag patangay sa lumbay ng hating-gabi.
Habang may bituin at buwan, hindi magbabago
Ang pagsintang ito.

Marami nang taon ang lumipas.
Ang aking pagsinta hindi kumukupas.
Kasing tingkad pa rin ng dati
Malayo man ako sa iyong tabi.

Hwag sanang mag-alala pa at mangamba.
Hwag pasaklaw sa panglaw ng pag-iisa.
Habang may sumisilang na araw, sa iyo
Ang pagsintang ito.

Mananatili kailan man, maaasahan mo,
Ang pagsintang ito.

Les autres musiques de Equilibrio