Paroles de Anino

Wolfgang

pochette album Anino
Voir sur Itunes

sonnerie téléphone portable pour Anino
Clip vidéo

Lumpong naglalakad katabi niyay haring nakahubad
Binging nakikinig sa iyak ng piping mayroong tinig
Alisin ang iyong maskara at idilat ang mga mata
Ang isipang tangan ay buksan sa walang kabuluhan

Ligtas niyo ako sa sarili kong anino, aking anino
Daan ay hanapin palabas ng salamin
Kay dami-daming hugis ng salamin

Nakatitig na bulag sa mga haliging nabuwag
Baliw na sumasayaw sa liwanag siyay ikaw
At ang diwa ko'y litong-lito itoy balat kayo
Ang nakikitay kabaliktaran hindi ang kinagisnan

Ligtas niyo ako sa sarili kong anino, ang aking anino
Daan ay hanapin palabas ng salamin
Tangay sa agos ng mundong puro abo, hindi mundong ito
Bato ay abutin at basagin ang salamin
Pira-pirasong bubog ng salamin

Kung alam ko lang kung papano
Kung alam ko lang
Kung alam ko lang kung papano
Kung alam ko lang
Kung alam ko lang kung papano
Kung alam ko lang...

Ligtas niyo ako sa sarili kong anino, aking anino
Daan ay hanapin, palabas ng salamin
Tangay sa agos ng mundong puro abo
Hindi mundong ito
Bato ay abutin at basagin ang salamin

Les autres musiques de Wolfgang