Paroles de Dugong pilipino

Jonathan Badon

pochette album Dugong pilipino
Voir sur Itunes

sonnerie téléphone portable pour Dugong pilipino
Clip vidéo

Natanaw sa kalawakan
Perlas sa dulong silangan
Kagandaha'y nababanaag
Bansang may paninindigan

Lakas ng 'yong damdami't isipan
Kayamanan ng 'yong kalikasan
Liwanag ng 'yong katalinuhan
Tagumpay ang dala sa pagkakaisa

Chorus

Ikaw ay dugong pilipino
Sa takot ay 'di pa rin susuko
Sabay-sabay sa pagbangon
Sama-sama sa pag-asa
'pagkat ikaw ay dugong pilipino

Sa ihip ng hangin huwag padadala
Sa dakilang mithiin ika'y sumama
Supilin ang apoy habang maaga
Lukuban ng tubig na may pag-ibig

Pagsikat ng araw sa dakong silangan
Sa lupang ito'y laging manawagan
Sa dyos at sa bayan taglay ang pag-asa
Sa harap ng lahat bagong pilipinas

Repeat chorus

Ikaw ay dugong pilipino
Sa takot ay 'di pa rin susuko
Sabay-sabay sa pagbangon
Sama-sama sa pag-asa
'pagkat ikaw at ako'y dugong pilipino